Na-mark as delivered yung parcel ko ng mga 8PM, pero di ko natanggap. May proof of delivery na malabong picture na walang makitang details and halatang hindi on destination and maling package.
Nag-reply yung rider the next day na nahulugan daw siya ng parcels at kasama yung sa'kin. Pwede daw ba bayaran na lang niya? Pumayag naman ako and nagsend ako ng details. Mga 5-7 days daw yung processing.
After 5 days, wala pang update, so nagsabi ako na ipa-process ko na lang officially since ayoko maabutan ng auto-tag as received.
Tumawag yung rider na parang nainis pa sakin. Okay lang naman daw ma-auto receive yung item since babayaran naman daw niya. Sabi ko na gusto ko lang may option ako to process it officially kung di dumating by certain date.
Sinabi sakin, "sige sige, abonohan ko na lang" na parang siya pa yung na-hassle.
Hindi siya dumating by the 7th day and di na ulit nagreply ulit yung rider sa messages.
Nag-process ako officially and na-mark as accepted yung request for refund ko after a couple of hours.
Less than 300 lang yung item, di actually worth it sa sakit ng ulo.